Wala na

By Joan Estavillo

Panahon na puno ng pagmamahalan
Pag-iisang irog na tila ba’y walang hanggan
Pag-uusap na halos kasiyahan

Panahon na kahit ikaw lang ay sapat
Mapasaya ka lamang ay handa niyang hamakin ang lahat 
Nagsusumikap para abutin inyong pangarap
Hanggang sa pagtanda ikaw ay haharanahin
Pangakong habang buhay ikaw ay iibigin

Yan! Yan! Yan! 
Mga panahon na kay sarap balikan
Pero mapapaisip ka na lamang.
Nasan na ba ang nangako niyan?
Wala na! Wala na! Wala na!
Wala na dahil ang mga pangako 
ay nakatakdang mapako
Wala na dahil biglang nagbago ang ikot Ng mundo
Wala na dahil hindi siya nakuntento sayo
Wala na dahil hindi siya ang nakatakda sayo

Kahit lumuhod ka pa sa harap niya 
Kahit sabihin mo pang hindi mo kayang Wala siya
Hilingin mo man sa langit na siya’y ibalik
Sarili mo ma’y pilikin mong sakanyang isiksik
Bilangin man Ang taon Ng inyong pinagsamahan 
Kung ikaw ay handa niyang iwan 
Kaylangan mo ng tanggapin ang katotohanang

Wala na ang minahal mo Ng sobra 
Wala na ang taong sayo’y nagpapasaya 
Wala na ang taga hatid sundo mo
Wala na ang tinuring mong mundo 
Wala na ang taong akala mo mananatili hanggang dulo 
Wala ang taong pinakilala mo sa magulang mo na siya mapapangasawa mo 
Wala na ang nagbibigay kinang sayong mata
Wala na ang nagsabing pagtitiisan ka 
Wala na ang nangakong habang buhay aalagaan
Wala na bumitiw na siya

Masakit pero ito ang realidad sa mundo 
Kahit ano pang gawin mo
Hindi ka pa rin magiging sapat sa taong Hindi ikaw ang gusto
Ibigay mo man lahat sa kanya
Kung pagkukulang mo’y napunan ng iba
Wala ka nang magagawa kundi ang isuko siya
Dahil kung Mahal mo siya
Hayaan mo siyang maging masaya
Kahit pa sa piling ng iba

Wala na talaga 
Wala na sa iba na siya masaya
Wala na dahil sumuko na siya 
Wala na dahil mas maganda pala yung Isa 
Wala na at iba na ang aalayan niya ng kanta 
Sa madaling salita
Wala na dahil hindi ka naging sapat sa kanya
At Wala na dahil may mahal na siyang iba

Leave a Reply