The End…

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

By: Angelyn J. Sanje

Tulad ng pelikulang tumabo sa takilya
At ng inaabangan, pinananabikang telenovela
Masalimuot, madrama at syempre meron ding komedya
Ang istoryang ikaw ang bida at ako’y extra

Paano nga ba nag umpisa ang ikaw at ako
Ay mali… Ako lang pala pagkat walang tayo
Ako’y tagahanga at ika’y aking idolo
Nang kausapin mo’y muntik nang mahimatay ako

Komedya… Oo ako’y naging katawa tawa
Laging nadadapa sa tuwing ika’y nakikita
Di ko alam kung talagang ako’y lampa
O dala ng kilig at sobrang tuwa

Dumating ang araw ako’y iyong napansin
Nahuli kitang saki’y nakatingin
“May dumi ka sa mukha” bulong mo sakin
Sa tamis ng ngiti mo’y di naitago ang damdamin

Di ko inasahang susuklian mo
Ang pag ibig na nadarama ko
Kung para sayo ito’y isang biro…
Pakiusap huwag mo na ituloy ayoko ng laro

Ang sabi mo totoo ang iyong pag ibig
Ramdam ko naman kapag ako’y nakakulong sayong bisig
Subalit ano itong aking mga naririnig
Marami ka raw babaing pinakikilig

Mahal kita kaya’t di basta naniwala
Kahit utak ko’y bumubulong, wag sayo magtiwala
Mga pagdududa lahat binalewala
Hanggang ako mismo makahuli sayong pagkakasala

Gumuho ang aking mundo
Nais kong magalit, sumigaw, tumakbo
Pumunta sa malayo, malayo sayo
Ayoko nang marinig pa mga paliwanag mo

Naisip kong tapusin na ang aking buhay
Para ano pa wala ng halaga at saysay
Ang hirap pala kapag ika’y nasanay
Ang kaligayahn sa ibang tao isalalay

Wagas na pag ibig na aking itinanim
Animo sa dibdib ko’y nakatarak na patalim
Kaya’t mundo’y nais ko nang lisanin
Pagkat wala na ang nag iisa kong bituin.

Pagmulat ng aking mata…
Akala ko ako’y nasa kabilang buhay na
Nangilid aking mga luha
Nang malamang sa sinapupunan ko’y mayroong biyaya…

Di ko alam kung paano mag uumpisa muli
Sa pangalawang pagkakataon hinangad kong masawi
Pagkat nalaman kong ikaw pala’y matagal nang nakatali
Paano mo maitutuwid iyong pagkakamali

Timba timba mang luha ang aking iiyak
Di maubos ubos ang agosaa puso kong winasak
Bakit hinayaan mong masadlak sa lusak?
Kaya ko ito…lalaban ako para saking anak.

Meron mang buhay na sa ati’y nagdurugtong
Mula ngayon pangalan mo’y di na ibubulong
Di ka na bida… tapos na ang pantasya.
Wag ka mag alala, marahil balang araw mapapatawad din kita.

Total Views: 19

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *