“Seen”

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

Ni: Mark Kenneth Cabillan

Ngayon nalaman mo na ang tunay kong halaga,
‎kailangan ko pa talagang mawala,
para malaman mo na,
‎ako yung taong mamahal ng tunay sa,
‎katulad mong mapag aksaya.

Natatandaan mo yung umamin ako,
Nang nararamdaman ko sayo,
Nong una tila okay lang naman sayo,
At nangako pa akong magbabago,
Para makita mong seryoso ako,
At sinabi mo pang balang araw mamahalin morin ako,
Pero kalaunay napuna ko,
Na iba pala yung minamahal mo,

Ikaw unang kong naiisip sa bawat pag giSEENg ko,
iSEENantabi ko yung pag babarkada ko sayo!!
iSEENagitna kitat nag alay ng oras sayo,
itinigil ang pag SEENdi ng sigarilyo,
Itinigil ko lahat ng bisyong meron ako,
Dahil mas importante kapa sa lahat ng to,

Pero itong mga positibong SEEN ko,
Ay may katubas din na negatibong SEEN sayo,

NagSEENungaling kat pinaasa mo ako.
Ako dapat ang nasa gitna pero iSEENantabi mo ko,
SEENabi mo pang mamahilin mo rin ako,
Dapat una palang SEENabi mo na akoy malabo sayo,
Para di ko na maranasan ang sakit ng PagsiSEENungaling mo.
Kasi nga SEENo ba ako?
Ako si Barbosa Zaragoso
iSEENantabi ko lang naman yung mga personal na kaligayahan ko,
Para sana yun sa ikaliligaya mo,
Pero pano bayan natalo yung tapat sa manloloko,

Pero buti nalang nakalimutan din kita,
Ngayon akoy maayos na,
Masaya na ako kaahit wala ka,
Nakalimutan ko na yung PagsiSEEN mong ginawa.

Ngayoy sinaktan ka pala ng minamahal mo,
Pinag palit ka sa isang babae nito,
Tas naisip mo na sinayang mo ako,
At nagbalak kang balikan ako,

Pasensya na inday nasa malayo na ako,
Di ko na kayang balikan ang mga bangungot na ibinigay mo,
Ngayoy natatawa nalang ako
Sa twing iniisip ang kahapong baliw pako sayo,

Pasensya nat sa facebook di na kita pinapanSEEN,
sa mga chat moy balewala nlang sakin,
Litteral na kita siniseen,
Kaya Paalam na inday salamat sa pananakit sakin.

Pasensya na inday hanggang SEEN ka nalang.

Total Views: 10

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *