Sayang…

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

Ni:Marymae Madela

Naala ko pa,
Yung panahong tayong dalawa
Kung saan lagi tayong masaya,
Kahit na may problema.
Naalala ko pa,
Yung iniyakan nating pelikula
Kung san bida sina Ding Dong at Marian Rivera
Idol natin sila diba?
Naiyak panga ako sa kasal nila,
At sabi mo pa,
“Balang araw ikakasal tayong dalawa,
Hindi man ganun kadaming tao ang makakaalam gaya ng kasal nila,
Pero sapat na ang mga magulang nating makasaksi sa pagmamahalan nating dalawa”
Dun naiyak na ako ng sobra,
Ang taong mahal ko’y mahal na mahal ako.
Wala pamang tayo,
Pero kasalan na ang nasa isip mo.
Kaya natanong ko,
Kung kailan magkakaroon ng label to,
Hindi naman sa nagmamadali ako,
Pero pagod na akong magkimkim,
Lagi kong tinitignan ang babaeng lalandi sayo ng matalim.
Mata ko’y nandilim
Nang makita ko ang babaeng humalik sayo’t gusto kong tusukin ng patalim.
Pagod nakong magkunwaring masaya
Sa tuwing may kapiling kang iba.
Pagod nakong magselos dahil alam kong wala akong karapatan sayo putang-ina.
Wala akong karapatang angkinin ka.
Wala akong karapatang ipagsigawan sa buong mundo na AKIN KA. 
Kasi nga walang TAYO diba?
Oo mahal natin ang isa’t isa
Pero kailan pa magkakaroon TAYO sa IKAW at AKO?
Kailan pa ako magkakaroon ng karapatang ikulong ka sa piling ko?
Kailan pa ako magkakaroon ng karapatang sampalin ang babaeng lalandi sayo?
At kailan pa ako magkakaroon ng karapatang ipagsigawan ka sa buong mundo,
Na akin at akin kalang gago.
Pero nawalan na ko ng pag-asa
Nung malaman kong may iba kana.
Kailan pa?
Wala akong kaalam-alam taena.
Kagaya karin nilang PAASA,PA-FALL ka.
Sayang minahal panaman talaga kita.
At akala ko’y mahal mo din ako ngunit akala ko lang pala.
Sayang ang dami ko pa namang plano para sa’ting dalawa.
Sayang, sinayang mo ako
Sinayang mo ang pagmamahal na binigay ko
Sinayang mo ang babaeng katulad ko.

Total Views: 15

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *