“Sana ako nalang siya.’

Written by: Paul Georgé
Request by: Marie ann Vicente

Sana ako na lang siya,
Na dapat mong ibigin.

Sana ako na lang siya,
Na dapat mong mahalin.

Mga salitang tila nagmamakaawa,
salitang handang magparaya.

salita na tila hangal, 
Para bang kulang na kulang
sa Pagmamahal.

Na pilit kong ipinagdarasal,
sa Poong Maykapal.

Na sana ako ay matutunan mong
Mahalin, hindi mo lang siguro
Napapansin na ako’y may pagtingin din.

Sana ako na lang ang iyong mahal,
Dalangin ko tayong dalawa ay magtagal, isipin man nila na
Puro PUSO ang aking pinapairal.

pilitin man nila sabihing,
Hindi tayo bagay,
Pag-ibig ko sayo ay tunay,
Mamahalin kita, pangako ko
habang buhay.

Kaya sana ako nalang,
Ako na lang sana ang iyong mahal.

Tila tulad ko’y isang T@nga,
Na sayo nagbibigay halaga,
Hindi mo lang to nakikita.
Sana ako nalang siya..

Leave a Reply