SAMAHAN MO AKONG BUMALIK

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

ni : Chrry Mae Mrqz😁

Balikan natin kung paano tayo nagsimula
Mula sa unang pagtatagpo ng ating mga mata
Sa unang pagpalitan natin ng salitang kamusta
Na humantong sa salitang ‘mahal kita’

Balikan natin kung paano ako malunod sa lagi mong pagtitig
Na para bang ako lang ang nakikita mo sa ‘yong paligid
Na sa aking dibdib
Kaba ang hatid

Balikan natin kung pa’no tayo sabay na tumawa
Kung pa’no mo sinabi sa aki’ng ‘Mahal kita’
Kung pa’no natin hinarap ang mundo ng magkasama
Kung pa’no mo ko labis na pinasaya

Pwede bang samahan mo akong bumalik?
Sa panahong pinagsaluhan natin ang mga yakap at halik
Hindi ngayong wala nang maramdaman kundi sakit!
Dahil mula ng mawala ka puso ko’y parang tinusok ng tinik

Maaari bang baliktarin natin ang ikot ng mundo?
Na ang mundo koy muling iikot sa’yo
At sa akin muling iikot ang mundo mo
Maari ba?

Hindi na nga pala.
Mundo mo nga pala’y umiikot na sa iba
Puso mong dati’y akin ngayon ay kanya na
Wala na nga pala ang tayong dalawa!

Total Views: 10

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *