“SA PAGSIKAT NG ARAW”

by: makjit

Sa pagsikat ng araw
Kasabay kitang gumising
Sa pagsikat ng araw
Sabay tayong kakain

Ano man ang almusal
Ano man ang pagkain
Ikaw lang ang makapagpapabusog
Ng gutom kong damdamin

Sa pagsikat ng araw 
Minsa’y ayaw ko ng bumangon
Dahil sa init ng mga yakap mo
Hindi ko gugustuhing umahon

Sa pagsikat ng araw 
Ikaw ang aking kaharap
At hinding hindi ako magsasawa
At kailanma’y hindi kukurap

Pagkat ayokong lubayan
Ang iyong mga mata
Na syang repleksyon
Kung gaano ka kaganda

Kaya sa pagsikat ng araw
Nalaman ko ang tunay na ligaya
At ang saya ng bawat araw
Na Ikaw ay aking makakasama

Na kasabay gawin ang mga bagay
Mula umaga hanggang sa gabi
Nagagawa ang kahit ano
Basta ikaw lang ang aking katabi

Mula sa pinakamaliit 
Hanggang sa pinakamalaki
Ang makasama ka sa bawat oras
Ay ang pinakamasasayang sandali

Ngunit, biglang nagbago ang lahat
Nawala, na parang bula sa isang iglap
Tumalikod, ang noo’y nakaharap
At alam mo ang pinakamasaklap?

Yung pakiramdam na sa pagsikat ng araw
Wala ka na na yumayakap
At ang matagal ko ng natagpuan
Ngayon muli kong hinahanap

Ilang gabing nagtanong, naniwala, at nagdasal
Na matatagpuan ko muli ang aking minamahal
Ngunit sa kabila ng pagod, hirap at tagal
Wala akong nakuha sa aking pagsugal

Talagang wala ka na
Ngunit naiwan mo ata ang bakas ng kahapon
Tinangay ka na ng hangin, dinala na ng alon
Kaya ngayon,

Sa pagsikat ng araw 
Natapos na ang mahabang gabi.
Sa pagsikat ng araw,
Wala ka na, sa aking tabi.

Total Views: 1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *