Pinapalaya Na Kita

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

by:APR


Bakit ganito
Bakit tayo naging ganito
Parang kahapon lang tayo ang magakasama
Pero anong nangyari at iniwan mo ako
Anong nangyari at naging cold ka saakin 
Anong nangyari at naging hangin nalang ako sayo
Anong nangyari ba’t iba na ang kasama mo ngayon at hindi na ako
Anong nangyari saatin akala ko tayo na talaga
Pero akala ko lang pala iyon
Umasa lang pala ako sa wala
Umasa lang pala ako sa mga kasinungalingan mo
Nakakatawa mang isipin
Pero aaminin ko
Aaminin kong naniwala ako sa mga kasinungalingang iyon
Pero bakit ganon
Bakit ganon kahit alam ko nang mga kasinungalingan lang ang lahat ng mga ipinakita’t sinabi mo saakin
Bakit di ko parin matanggap
Bakit di ko parin kayang magalit sayo
Bakit di parin kita makalimutan bakit di parin sapat para saakin na magmove-on sa kabila ng mga ginawa mo
Bakit mahal parin kita hanggang ngayon
At bakit ganon di ka man lang naguilty sa mga ginawa mo sa akin
Di mo man lang ba naisip na masasaktan mo ako
Siguro nga
Siguro nga wala lang ako para sayo kasi ito ako ngayon lumuluha’t nasasaktan pero wala ka man lang pakealam sa akin sa katunayan nga masaya ka eh
Masaya ka sa piling ng taong mahal mo
Masakit
Masakit pero sige tatanggapin ko na
Tatanggapin ko na na hindi ako ang mahal mo
Na hindi mo ako minahal
Ang sakit eh ang sakit sakit at habang tumatagal ay mas lalong sumasakit
Kaya pinapalaya na kita
Pinapalaya na kita kung yan ang ikakasaya mo

Total Views: 9

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *