“PARAISO”

Ni: LYKA MAE ARAMAY


Kay sarap palang balikan ng masasaya nating ala-ala
Yung may masasabing ikaw at ako, yung may tayo?
Kay sarap balikan lahat ng mga pangako na tayo mismo ang bumuo
Lahat ng ating mga pangarap na tayo mismo ang tutupad
Lahat ng mga mali na tayo ang magtatama.
Sabay nating binuo ang napakagandang paraiso
Ikaw lang at ako walang ibang tao
Nakalutang sa ulap na may sariling Pakpak.
Ngiti sa ating mga labi ay hindi mabura
Kislap sa ating mga mata ay hindi nawawala
Ngunit lahat ng saya ay napalitan ng maraming luha
Ang dating paraiso ay naging kandado
Hindi makagalaw at hindi makakibo
Ang dating tayo ay napalitan ng ako.
Ang ating pakpak ay nagsilbing kadena.
Para kang alipin sa isang hawla at hindi makawala
Lahat ng ngiti ay napalitan ng pagkamuhi
Dahil hindi lang pala tayo ang tao sa binuo nating paraiso.
Ang kislap sa ating mga mata ay biglang nawala.
Naalala ko pa kung paano mo ako iniwan magisa
Kinandado sa isang sulok na may sirang pakpak at walang makita ni isa
Iniwan mo ako sa paraiso ng sakit at pag-iisa.
Kaya’t ngayon habang may pagkakataon
Habang kaya mo pang lumipad magisa
Kaya mo pang makawala sa hawla
BITAW NA!

Total Views: 1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *