One sided love

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

By: Angelica Detera

Dapat ba akong matuwa dahil mag kaibigan tayo?
O dapat akong malungkot kasi hanggang dun nalang tayo?
Naiisip ko rin kung mag kakaroon pa ba ng ‘Tayo’
Kahit alam kong ‘kaibigan’ mo lang ako

Pwede bang mag mahal ng hindi nasasaktan?
Pwede bang magmahal ng taong ibabalik yung pagmamahal mo?
Pwede bang magmahal na pagmamahal din ang kapalit nito?
Pwede bang hindi na kaibigan lang ang turing mo sa isang katulad ko?

Hindi ko hahayaang pang walang label lang ako
Hindi naman ako yung taong hindi ipaglalaban yung nararamdaman ko
Hindi ba pwedeng magbago ang nararamdaman mo?
Sa susunod na araw di ka ba mahuhulog sa katulad ko?

Sabi nila walang nag tatagal na magbestfriend pag lalaki at babae 
dahil may isa dito ang mahuhulog 
At marerealize ng isa
At happy ending na

Sana , sana ganyan din ang kwento naming dalwa
Sana nung nahulog ako sakanya
Narealize niya rin at inaming nahulog din siya
Pero ‘Sana’ ‘Sana’ lang talaga

Sa storya naming dalawa 
Ako lang ang nagmamahal sakanya
Dahil alam kong may mahal siyang iba
Sa katunayan nga’y nag papatulong pa siyang diskartihan yung ateng maganda na kaibigan ko pala

Gusto kong sabihin sayo na ‘tama na nakakasakit ka na’
Kaso naalala ko , bat ako masasaktan may ‘tayo’ ba? 
Bat ako masasaktan kaibigan mo lang ako diba?

Kaibigan na lagi mong natatakbuhan sa tuwing may problema ka
Kaibigan na lagi mong nasasandalan tuwing nasasaktan ka
Kaibigan na laging nandiyan para suportahan ka
Kaibigan na kahit na nasasaktan na lalaban parin para makasama ka

Ayokong umamin kasi baka masira pag kakaibigan nating dalawa
At mauwi sa kalimutan lahat ng alaala
Di ko alam pero yun ang nasa isip ko sinta
Na kapag umamin ako baka dumistansya ka

Siguro nga’t mananatili nalang akong palihim na nag mamahal sayo
Baka dumating yung araw na mawala rin ito
Babalik na ang dating ako
Nung mga panahong wala pa kong nararamdaman sayo

Total Views: 33

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *