“Mahirap Maging Maganda”

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

Ni:Gezela

Sa panahon ngayon pag panget ka balewala ka
Sa panahon ngayon pag panget ka talo ka
Na wala silang paki alam kahit madapa ka kasi nga panget ka
Dahil sa mundong to magaganda lang ang nakikita nila 
Yun ang sabi nila.
Naku, Puro kayo reklamo. 
Na kesho ganyan, kesho ganito. 
Bakit Hindi kayo tumingin sa paligid nyo? 
Hindi lang kayo ang nahihirapan sa ganito. 
Naisip nyo ba kung gano kahirap maging maganda? 
Naliligawan ka kasi nga maganda. 
Nakakaibiganin ka kasi nga maganda. 
Tanging mukha lang ang nagdadala. 
Na ilang beses nang nakakita ng lalaking lumuluha. 
Para lang ang matamis na oo ay makuha? 
Na ilang lalake ang nag aaway dahil sa gantong mukha. 
Na Hindi ka pwedeng magkamali kasi nakatingin sila. 
Na Hindi ka pwedeng mangulangot kasi nakatingin sila. 
Na huhusgahan ka dahil sa iyong mukha. 
Na porket maganda ay maarte na.
Kaya ang mapapayo ko ay manatili ka kung ano ka,
Para hindi sila lalapit dahil sa may itsura ka.
Para maiwasan mo ang mga taong gagamitin ka
Dahil sa kung anong meron ka.
Kaya kung ako sayo wag ka nang mangarap pa. 
Dahil mahirap ang maging maganda.

Total Views: 15

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *