LIHIMNALIHAM

-Joven Guevarra Galicia

Mayroon na akong titulo subalit di ko pa mabigyan ng laman
Gusto ng umamin ng puso ngunit ang katawan nag aalangan
Di man lang makapag salita namumula ang pag ikaw ay nandyan
Kaya’t gagawin ko na lang pasulat ang buo kong nararamdaman

Palihim kong inalam mga hilig mo at gawain
Upang sa aking mga kataga akin itong maisalin
Hindi ko lang alam kung ikaw ba ay kikiligin
O baka mag tawag ka pa ng pulis at ako’y arestuhin­čśů

Hindi biro gumawa ng tulang palihim para sa kanya
Para ka lang isang timang nagmamahal mag-isa
Wala syang alam sa mga kahibangang iyong ginagawa para lamang sya sumaya
Di kailanman umamin tinago na lang kanyang lihim labag man sa loob nya

Paano pa yayabong ang tula kung di mo naman maisip ang posibleng katapusan
Ang pagtatago ko sa katauhan ng kaibigan ang aking pinaka pinagsisihan
Di ko man lang maibigkas ang lahat ng emosyon sa puso ko na nilalaman
Ayokong manatiling martir na lang at habang buhay na maging talunan

Saan ba ko kukuha ng tapang para umamin na lang sa iyo
Kung ang istilo ko ay di pa nakakasigurado na papasa sa panlasa mo
Baka sa darating na lang na araw na ako ay lalayo
Lalabas ang tapang ko at aminin sa iyo

Ngunit paano ka lalayo kung katawan mo lang ang gustong umiwas at hindi puso
Mananatili na lang ba talagang isang sandalan kahit nasasaktan
Kung sa ganung paraan kita mapagsisilbihan ako’y tatanga na lang
Hihintayin ko na lang ang araw na baka ako’y iyong magustuhan

Ngunit sana sa muling pag ikot ng ating mundo muli tayong ipag tagpo
At magkakaroon na nang lakas ng loob upang ibigay itong sulat ko
Dahil di pa rin nawawala ang pagtingin at pagmamahal sa iyo
Sana iyong mapagbigyan ang aking pagsamo
Na balang araw magkakaroon na nang laman ang titulong binuo ko..

Leave a Reply