KWENTO NATING DALAWA

-Abia Zamora

Nagsimula ito sa loob ng silid ng isang paaralan
Pumasok nang hindi alam kung anong uri ng tao ang pakikisamahan
Naupo kung saan sa tabi ng mga bagong kaibigan
Hindi inintindi ang ibang taong nasa harap at likuran
Wala sa isip ko ang maghanap ng bagong taong pagbubuksan ng puso ko
Hindi inaasahang makikita ka sa paglingon sa likod ko
Naaalala ko pa mga ngiting nadulot ng pagtingin ko sa’yo
Ngunit hindi ko rin inasahang kalauna’y mahuhulog pala ako sa’yo
Hindi makalimutan ang una nating paglabas
Hiniling nung mga panahong iyon na ang oras ay huwag munang lumipas
Mga ngiti mo sa isip ko’y hindi kumupas
Nang makasama ka’y iba ang sayang dinanas
Hindi alam kung paano ka makakausap nang matagal
Nagdadalawang isip, natatakot na baka ako’y mautal
Tuwing nakikita ka’y nawawala ang pagal
Tuwing kasama ka’y hinihiling na ang ikot ng mundo’y bumagal
Nahihiya, nag aalinlangan kung nararamdama’y dapat nang aminin
Natatakot, baka masira ang kung anong meron sa atin
Nais na lamang ibulong ito sa hangin
Ayaw nang umasang ika’y magiging akin
Nagpapasalamat sa kabaitan ni bathala
Sapagka’t inutusan niya si Kupidong ikaw sa akin ay mapana
Tadhana’y nakiayon dahil ang tao’t panahon ay tama
Ngayon, masasabi kong hindi ko na hahayaang ikaw ay mawala pa
Sa maikling panaho’y marami nang away at hindi pagkakaunawaan
Pasensya na sa ugali ko, sana ako’y maintindihan
Kaunting panahon pa para ako’y iyong pagtiisan
Umasa kang magbabago rin ako kalaunan
Sasamahan kita sa pag abot ng iyong mga pangarap
Mga laban mo’y sasamahan kitang maharap
Hindi ka susukuan kahit na mahirap
Kapag napagod ka’y gawin mong pahingahan ang aking yakap
Tuwing hawak mo ang kamay ko’y hinihiling na huwag ka nang bumitaw
Pagmamahal ko sa’yo nais kong sa mundo’y isigaw
Madilim kong mundo, binigyan mo ng ilaw
Kahit sino pang iharap sa’kin, ang pipiliin pa rin ay ikaw
Salamat sa lahat ng nagdala sa’tin sa kung nasaan tayo ngayon
Hindi ko pinagsisisihan lahat ng dinanas ko noon
I may not be able to give you the stars and the moon
But I promise to be the best wife of yours soon

Leave a Reply