“KAPAG SINABI KONG PAGOD NA AKO”

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

—Charlot F. Roslin 


Kapag sinabi kong pagod na ako 
ang ibig kong sabihin
gusto ko ng pahinga.
Kapag sinabi kong pagod na ako
ang ibig kong sabihin
pwedeng bukas na lang.
Kapag sinabi kong pagod na ako
ang ibig kong sabihin
nangangalay din ang aking mga braso
nanginginig din ang aking mga tuhod
napapagal na rin ang mga mata ko sa pagluha
pwede bang magpahinga naman.

Pero tandaan mo,
lahat ay may kaakibat
lahat ay may kapalit
dahil kung ano ang ibinato mo sa kalawakan
ay ibabalik rin sa’yo nito
ng may galak
ng may galit 
ng may paghihiganti.

Pero tandaan mo rin, 
kapag sinabi kong pagod na ako
marami itong dahilan 
maaring pagod na kong lakarin
ang pasikot-sikot na daan
maaring pagod na kong gumising ng maaga
maabutan lang ang pagsikat ng araw
maaring pagod na rin ang aking mga mata
dahil sa bawat gabi na ang buwan at bituin ay aking tinatanaw.

Iba-iba ang pagpapakahulugan ko
sa salitang pagod na ako
Pero tandaan mo,
noong sinabi ko sa’yo ito
lumaban pa rin ako.
Kahit durog na durog na ang aking puso
Kahit ang mga mata ko’y nagmumugto
Kahit ang katawan ko’y mistulang nauupos na kandila
lumaban ako.
Pero kung sakaling marinig mo ulit
ang mga salitang ito
pakinggan mo.
Isipin mo.
Ilagay mo sa puso mo.
Itatak mo sa iyong isipan.
Kapag sinabi kong muli
ang salitang pagod na ako,
ito’y tulad pa rin ng dati.
Lalaban ako
at sayo’y hindi mapapagod.

Kung mapapagod man ako
Magpapahinga ako
Hihingi ako ilang minuto o ng ilang sandali
Pero muli akong babawi
Babangon, tatanaw ng pag-asa
Lilisanin ang salitang pagod
Mapapalitan ‘to ng salitang pagpupursige
Determinasyon at lakas ng loob.
Tulad ng sinabi ko
tungkol sa bawat binabato mo sa kalawakan
Isisigaw ko dito ng buong-buo ang salitang pagod na ako
Pero alam ko
Ibabalik nito sa akin
ang salitang lumaban ka.
Maghintay ka.
Muli siyang darating.

Kung mapapagod ka
magpahinga ka.
At sa pagpapahinga mong ito,
ipunin mo ang lakas, pagpupursige at determinasyon.
Kung pagod ka
ang kawalakan ay may biyaya
darating muli siya.

Total Views: 62

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *