“KAMATAYAN SA KALUNGKUTAN”

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

-Mark Anthony Corpuz

Sa pagmulat ng aking mga mata,
Ako’y napaisip bigla
Napatanong kung bakit ba,
Kung bakit ba ako nag iisa.
Tila isa akong isla sa gitna ng karagatan,
Na kung saan ito’y nababalot ng kadiliman,
Ni kahit isang turista ayaw itong puntahan,
Dahil sa taglay nitong kalungkutan.
Ako ba ay kinamumuhian ng kapalaran?
Kasi kahit anong gawing kabutihan,
Wala parin sa akin gustong makipagkaibigan,
At patuloy na iniiwasan.
Tila ako’y patay na,kahit ako pa ay gumagalaw at buhay.
Tila di ako makahinga dahil sa pagkakasakal gamit ang aking sariling kamay.
Tila ako’y nagpepenetensiya araw-araw dahil sa walang tigil na paglatay ng mga latigo sa aking katawan at kalooblooban.
Tila ako’y nakakulong sa kadiliman na kahit kaunting liwanag diko maaninag mula dito sa aking kinalalagyan.
Kaya ako’y heto na naman,
Basa na naman ang aking mga unan,
Dahil sa agos ng mga luha galing sa aking mga mata na diko na kayang pigilan,
Dahil sa kalungkutang aking nararamdaman.
Aking naisip na ang buhay ko na ay wakasan,
At sumuko na sa laban
Para aking malaman,
Kung sino ba ang ako’y tunay na pinapahalagahan.
Kasi araw-araw nalang akong nahihirapan.
Paggising tuwing umaga napapatanong ako kung bakit ba sobra akong pinaparusahan ng kapalaran.
Tila ang kalungkutan at ako ay magkasingkahulugan.
Dahil kahit anong gawing pagpapatibay sa aking katauhan ay patuloy parin akong tinatalo ng kalungkutan.
Sa paraang pagkitil sa aking sariling buhay,
Doon ko lang mararamdaman na meron din sa aking gustong dumamay,
Na kahit kailanma’y diko mararamdaman habang ako’y nabubuhay,
Tsaka ko lang mararamdaman ang pahalagahan kapag ako na ay isang bangkay.
Sa oras na yun duon ko lang mararanasan ang mahalin
At bigyang pansin
Bago ako maging isang bituin.
Kaya sa aking mga magulang na aking maiiwan,
Sana ako’y inyong mapatawad at maintindihan.
Dahil tinalo na ako ng mundong aking ginagalawan.
Tunay ngang magkarugtong ang aking ngalan at ang kamatayan.
Dahil kahit anong gawing paglaban 
Tanging kamatayan nalang ang nakikita ko nalang na daan patungo sa kasagutan,
Para matapos na itong hirap na aking nararamdaman.
Kaya pasensya na talaga aking mga magulang at paalam.

Total Views: 19

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *