“Ito na ang huli”

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

(Ni:Rosemary Turingan)

Ito na ang huling letra 
Huling salita
Huling gawang katha
Awit at tula 
Na iaalay ko sayo sinta 
Sana sa huli ko sayong pagsulat
Sa pagtatapos nitong alamat 
Kuwentong walang patunay 
Pero minsang binigyang buhay 
Sana kapag ito’y iyong mabasa 
Makita mo sana ang tunay na halaga 
Ng isang taong minsang ginamit
Minsang pinaasa 
Minsang ipinagpalit
Pero hanggang sa dulo ay pilit na kumapit 
Pero ngayon ay tapos na 
Ito na ang huli kong pagluha
Ito na ang huli nating pahina 
At tatapusin ko ito sa salitang pagpaparaya

Total Views: 10

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *