HABULAN

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

by:reynoel jhon(romantikong makata)

Habulan??
Laro na gusto ko noong panahon ng aking kamus-musan.
Larong nakakapagod ngunit masarap sa pakiramdam.
Pawis na tumatagaktak,dahilan kung bakit madalas na napapalo ni Inay.
Kung hindi walis,tsenilas ang dadampi sa’king puwitan.

Ngunit nang mag binata,at nagsimula ng magmahal.
Napagtanto ko na ang habulan ay larong may kadugtong na kalongkutan.
Larong habulan,ay hindi masayang laruin.
Dahil hindi mo alam kung pa’no ka hihinto at kung pa’no mo sasambitin,
Na”tama na,at ako’y pagod na rin”.
Dahil sino ba naman ang may gustong maghabol.
Kung sa bawat hakbang ng iyong paa,ay masasaktan ka’t hahagulgul.
Luha ang nangingibabaw kesa sa pawis.
Mas masakit pa pala ang maghabol,kesa paluin ni ina ng tsenilas o walis.

Hindi mo alam kung saan ka hihinto.
Hindi mo alam kung Saan tutungo.
Sa pagmamahal na kadugtong ay habulan na laro.
At ang masaklap,ako ang laging taya,
Ako ang laging naghahabol at laging lumuluha.
Kaya,gusto kong ibalik ang panahong nasisiyahan pa ako sa larong ito.
Mas matatanggap ko pa na pagalitan ni inay dahil basa ng pawis ang damit ko.
Kesa ngayon,
Kesa ngayon na kinakaawaan ni inay,dahil basa ng luha ang mata ko.

Kaya sana ibalik na lang yung dating habulan.
Habulan na masaya’t walang nasasaktan.
Habulan na kapag ako ang taya ay Hindi nagaalinlangan.
Habulan na maari kang umayaw kapag pagod na.
Hindi ang ganitong klaseng habulan na masakit at nagmumukha akong tanga.

Total Views: 27

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *