“Dahil sayo”

ni:markwincentcahayon

Ou, Ikaw ang titulo
Ikaw ang bahagi nitong kwento
Makukuntento
Binibini ang palaging nasasambit ng mga labi ko
Ikaw, ang dahilan kung bakit gagawin ko to
Babalik na ko, dahil
pinabalik mo ako
Muling susulat, magiging sigurado
tamang tao, para sa tamang tao
Pinagtagpo, Nagtagpo, sa pagkakapareho
Dahil sayo, gagawin ko to
Hindi na ako magkakamali pa
Alam kong isa ka, sa balak nyang ipakilala
Bathala, salamat sa regalong iingatan ko ng sobra
Dahil sayo, ang lapis na to 
ang magsisilbing marka, dyan sa puso mo
ang bawat tinta, ang bawat salitang maririnig ng tenga
Sigurado, Nasa tamang tao ka na
Dahil sayo, muling susulat ang makatang ito
ikaw ang magsisilbing pahina, ng aking libro
Ikaw ang dahilan, kung bakit ang nagdidilim na mundo
ay muling magbabago
Dahil sayo, Wala ng dapat ikalungkot
Tama na ang pagsimangot
Wala ng dapat ikatakot, samahan mo ako hanggang sa maabot
Ang pareho nating gusto
Sapat ka na rito
sigurado, magiging sigurado
Kahit di ko alam kung anong taya ko dito
basta tudo na to
talo kong talo, atleast sumugal ako para sayo 
dahil sayo, sumasakit na ang mga mata ko
muka kaseng di na ko makakahanap ng mas aangat sayo
Dahil sayo, Tapos na ang malulungkot na araw ko
Kase dahil sayo, Muling nagising ang natutulog na ako

Leave a Reply