Bitin

-Eduard Dudang

Im just ‘hanging around’ po noong nakilala ko siya
Biglang abot ng paborito kong bigbite ang sweet nya talaga
Kaya wala ng paligoy ligoy pa
Ilang buwang’ pangliligaw, naging kami na.

‘Tay, Siya po ang nagturo sakin na ang kahapo’y wag ko ng iwasan
Masaya rin po naming hinaharap ang kinabukasan
Aming pagmamahalan ang regalo kong pinanghahawakan
Ngayon alam ko na po kung bakit present(gift) ang tawag sa kasalukuyan

Isang araw ay nakita ko po siya sa loob ng isang mall
Agad agad ko siyang binuntutan, parang ako’y asong ulol
Biglang may humalik sa kaniyang labi, gusto ko silang sugurin ng palakol
Ngunit sa sumunod kong nakita, sarili’y di ko na napagtanggol
Gusto ko sana siyang sampalin, kaso may hawak hawak siyang sanggol

Isa siyang matamis na bangungot gabi gabi
Kasama ang mga text nyang “Kumain ka na ba bi?”
Ngayon nagmumukmok nalang ako sa isang tabi
Alam ko na ang meaning ng BIGbiTE ngayong wala ka na bi

“Kapit lang” sabi ng hawak kong lubid na malaki
Tay, miss ko na po kayo, pwede bang patabi?
Ang oras ay pilit na akong binibitin sa kisame
Batangge├▒o ata tong si tadhana, “Ala’eh”

Kaya tumindig na ako sa’king upuan, ‘Di na ako mapalagay
Sisira ako ng pamilya, patawad po aking Itay
Ako’y sobrang desperado na, ‘Di na ako makapaghintay
Kaya ako ay nagpakama. Opo, nagpakama,tay

Mayabang ba ako, dahil itinago ko aking mga luha?
Mayabang nga ako ngayong di na nakasayad mga paa ko sa lupa

Leave a Reply