BAKIT TAYO INIIWAN?

ni: Binibining Hazel

Minsan may mga rason kung bakit tayo iniiwan ng taong mahal natin,

Malimit nating itinatanong dahil ba pangit ako? hindi ako mayaman? hindi kaaya-aya ang aking hugis ng katawan? dahil ba wala akong ganito ganyan? dahil ba hindi ako matalino? hindi ba ako sapat? may talent nga ‘ko pero not well enough to impress others hindi nag-eexcel at madami pang mas magaling, o sobrang taas ba ng standards ko para sa isang lalaki? may pagkukulang ba’ ko? O sadyang kapalit-palit lang talaga ako?

Lahat ng iyon pwdeng may isang tumama pero ni kailanman hindi natin natanong na baka kulang lang ako sa pananalig kay Ama?

Baka ikaw ang may pagkukulang at hindi ang taong iyong minahal,

Bakit lahat kailangan sa Pisikal? Pag-uugali? at Mental na katangian ang ating inaantabayanan?

Bakit hindi kailanman naitatanong ang ispiritwal na kaanyuan at katayuan ng isang tao kaya tayo hinihiwalayan?

Malimit man isipin ngunit minsan yan ang totoo,

Nakakapanibago hindi ba? At pangkaraniwan ito sa lahat ng usapin, ngunit sabi ko nga minsan totoo

Dahil tayo ang nagkulang sa Ama,
Tayo ang nakakalimot at tayo ang hindi nakakaunawa kasi gusto natin tayo palagi ang inuunawa, tayo palagi ang binibigyan ng pabor at binibiyayaan ng kahilingan, pwede ba tayo naman ang magbalik loob sa kanya? Pwede ba tayo naman ang umunawa sa kaniya? At kung pwede ba lahat ipasabahala na natin sa kaniya? At hayaan na si Ama ang magtakda ng lahat, hayaan na si Ama ang magpadama at magpahilom ng sakit ng galit ng poot at ng hinanakit, hayaan na si Ama ang magbigay ng saya, tuwa, kaginhawaan at sigla?

Pwede ba si Ama naman?
Pwede ba ang Panginoon naman?
Pwede ba si Ama na muna ang ating mahalin bago natin matutunang mahalin ang ating mga sarili at bago magmahal ng iba?

Pwede ipagpaubaya na muna natin sa kaniya?
Siya naman,
Anak tama na,
Anak tahan na,
Anak, ipagpaubaya na natin kay AMA.

Leave a Reply