“Babae ako, hindi babae lang”

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

Ni:KaylleMariel
(Pahabol para sa Women’s month) 

Babae ako, hindi babae lang
Hindi ako bola para pasa-pasahan lang
Dapat ako’y nirerespeto, 
‘Di kinu-kwarto
Kung ako ma’y magkasala, dapat ako’y pinapatawad
Hindi pinapatuwad! 
Dapat ako’y minamahal,
Hindi nilalamas! 
‘Pagkat ako’y babae, hindi babae lang

Taong 1892
Babae’y walang karapatan, 
Walang boses para lumaban 
Pero kahit ganoon, 
Kami’y pinapahalagan ng higit sa ginto 
Hindi man baro’t-saya ang suot ko 
Sa panahong ito, 
Pero kailangan namin ng salitang respeto 
Maiksi man ang kasuotan, 
Paggalang ay nais namin

Nawala man ang ugaling Maria Clara sa ‘min
Pagiging Filipina ay nasa amin pa rin

“Magkano ka? “
Ipagpaumanhin mo, 
Ngunit hindi ako binibili
Hindi ako hinugot sa tadyang, 
Para gawing pang-aliw 
Tandaan mo, 
Babae ako, hindi babae lang

Pinalitan man ni Magdalena 
Ang sikat na si Maria Clara 
Ibahin mo ‘ko ginoo, 
Ako si Magdalena
Pero hindi ako ibon na mababa lumipad
Ako si Magdalena
Pero hindi ako babaeng bayaran
Ako si Magdalena,
Na prinsesa ng kanyang Ina
Ako si Magdalena, 
Na naiiba sa lahat! 
‘Pagkat ako’y babae, hindi babae lang

Hindi ako kaladkarang babae, 
Pero kaya kitang kaladkarin patungo sa Panginoon 
Hindi ako sing-hinhin ni Maria Clara, 
Pero kaya kong maging si Agatha Magtibay
Palaban kung kinakailangan 
Dahil ako’y babae, hindi babae lang

Ako si Magdalena 
Na kayang kumawala sa kadena
Pero hindi ako si Magdalena
Na puro kolorete ang mukha

Hindi man ako si Maria Blanca
Na may taglay na mahika 
Kaya ko namang basagin ang mukha mo
Katulad ng prasko, 
Simbolo na katapusan mo na
Dahil ako’y babae, hindi babae lang

(Na-inspired ako sa spoken word poetry na pinanood ni Mama, kaya ni-try ko gumawa ng sarili kong bersyon. Hope you like it guys 😅)

Total Views: 263

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *