“Babae ako”

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

-Lara Galope

Babae ako 
hindi ko hinihiling na ako ay dapat na pagsilbihan o alayan 
lalo naman ang pagnasaan.
Babae ako 
ang hiling ko lang ay ang iyong pagrespeto
na sa panahon ngayon mahirap ng makuha sa ibang tao .
Babae ako
hindi mo dapat sinasaktan
dahil may pinagdadaanan na kami buwan buwan
may pagkaabnormal man minsan
hindi rason yon para di nyo kami pahalagahan
Babae kami
kaya naming magdala ng bata sa sinapupunan
ng halos siyam na buwan
kahit puro bilbil at kamot sa tyan 
wala ka paring karapatan 
na husgahan ang aming kakayahan .

Total Views: 7

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *