“Ayaw ko na sa EARTH”

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

Ni:SirangLibro


Ang mga tao nga naman,kakaiba
Sinisisi ang mundo sa mga nangyayari sa kanila
Hindi iniisip na sila din naman ang may sala
Ang Dyos ang gumawa ang tao ang sumisira
.
Ayaw ko na sa Earth laging bukang bibig ng mga tanga
Mga tampalasang hindi nag-iisip kung ano ang kanilang ginawa
Sisi dito sisi doon di ba pwedeng tingnan mo ang iyong sarili bago magsalita
Mag-isip muna mga tao bago bumoka
.
Tara sa MARS,hindi kaba nakokonsensya?
Sa araw-araw mong paglaban ng salita
Wala naman ginawa ang EARTH sa iyo ikaw sa EARTH ang may ginawa
Ikaw ang nanira hindi ang nag-alaga
.
Ang mga tao nga naman nauunang nakikita ang kamalian bago ang tama
Pinapansin ang kamalasan bago ang biyaya
Masyadong sakim sarili muna ago ang iba
Isang araw kabaliktadan ang iyong sasabihin gusto ko sa EARTH kung kailan wala na ito dahil sa iyo na hampas lupa

Total Views: 4

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *