ANINO

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

Ni:Patricia Tulao

Nang lalabo na yata ang paningin ko
Hindi ko na kasi alam kung san ko pa ba ilulugar ang sarili ko sayo 
Dati kasi ako yung palaging nasa tabi at likod mo
Handang umalalay at suportahan ka
Saan ka man masaya 
Handang samahan at tabihan ka
Kapag iniiwan ka nila. 
Minsan naka sabay kita sa pag lalakad
Ngunit mas pinili ko ang dumistansya 
Dumistansya sa inyong dalawa 🙂
Bakit pa ko sasabay sayo?
Kung meron namang SIYA sa tabi mo
At nung araw na yon napag isip isip ko 
Hindi mo naman ako kailangan sa buhay mo 
Para lang akong isang anino na laging nakikipag sabayan sayo
Anino na hindi napapagod
Saan ka man mag punta 
Laging naka sunod
At sawang sawa nako 
Sawa na ako sa pagiging anino 
Anino na bihira kung mapansin 
Anino na wala ka ng ibang ginawa kundi baliwalain

Total Views: 15

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *