“Ang Gusto Ko Sa Aking Kaarawan”

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

Gusto ko sana ng Spaghetti,
Hiling ko, sana bumalik na ang lahat sa dati,
Sana may masarap na Pancit,
Para sana gumaling na lahat
ng taong may sakit,
Gusto ko ng Macaroni salad,
Para kahit papaano tayong lahat
ay masaya parin, kahit hindi pinalad,
Sana may leche flan,
Para wala ng mga anak na iniiwanan,
Gusto ko rin ng Stick-O,
Para sa akin, at para sayo,
Para sumaya lahat ng tao sa mundo,
Sana may kasamang Panalangin, at Krus,
Ipagdasal nating lahat na sa ngalan ni Hesus,
Ay wala ng kumakalat na Virus,
Samahan narin ng Bibliya, at Kandila,
Para sana sa kaligtasan ng ating mga pamilya,
Para sana lahat may tatay na kasama:(
Gusto ko rin ng Pasta,
Baka sakaling may pag-asa pa,
Na mabuo lahat ng pamilya,
Sana mayroon ding Adobo,
Para kahit papaano
mahalin tayo,
Kahit hindi tayo perpektong tao,
Kahit naiiba ang timpla,
Dagdagan lang sana ng pampalasa,
Para bumalik sana sa dating masaya,
Gusto ko rin sana ng maraming Prutas,
Para lahat ng mga taong mahihina ay lumalakas,
Sana damihan ng Chicken joy,
Para makakain lahat ng mga batang palaboy-laboy,
Sana lahat binibigyan ng atensyon,
Para matulungan lahat ng mga taong nakakaranas ng depresyon,
Sana lahat naiintindihan,
Para magkaayos lahat ng mga taong may hindi pagkakaintindihan,
Sana katulad ng facebook, at privacy,
Para sana lahat kahit sa public priority,
Sana may mga bulaklak,
Para kahit sa panahon ng krisis mabawasan ang mga luhang pumapatak,
Para matulungan lahat ng mga taong umiiyak,
Sana wala ng mga taong pasaway,
Sana lahat nasa loob lamang ng kanilang mga bahay,
Para wala ng mahawa pa, at namamatay,
Sopas, at kape,
Ipagdarasal natin ngayong gabi,
Ang sakit kapag napaso ng mainit na tubig,
Ang masugatan dahil hindi nakikita kaya natabig,
Ang mawalan ng mahal sa buhay,
Kaagad inilibing, kahit marami pang naghihintay,
Apoy sa sobrang init,
Posporong ginagamit,
Abo na nang mailigpit,
Pamilya’ y hindi makalapit,
sobrang sakit,
Ang Gusto ko sana sa aking kaarawan,
Sana tuparin ang aking mga kahilingan,
Di bale ng walang malaking handaan,
Pero sana matulungan lahat ng mga taong may karamdaman, nahihirapan
at nangangailangan,
Tulungan na sana’y wag silang pabayaan,
Sana hipuin ng panginoon,
Ang mga taong nagdurusa hanggang ngayon,
At kung may pagkakataon,
Sabay-sabay tayong manalangin,
Hihingi ng kapatawaran na sana lahat tayo ay patawarin, at pagalingin,
Dahil walang gamot ang tumatalab, kung hindi ang pag ibig nya lamang para atin,
Siya lamang ang bukod tanging makakapagpapahinto,
At hindi pa huli ang lahat para pagbuksan natin sya ng pinto,
Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo,
Nais ko sanang hilingin na sana bago matapos ang Mayo,
Bumalik na sa dati ang Mundo,
Dahil ito lamang ang napakagandang regalo na matatanggap ko buong buhay ko<3<3

—>Ni: Sherlene Pelayo Yordan
–>@yordansherlene29love

Total Views: 39

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *