ALAM MO BA?

Do you want this deleted? Request Deletion or Do you want to share yours? Submit Here

Words by Daniel Santonia Alma

Alam mo ba?
Rindi na ko sa mga salita.
Sa mga paramdam, sa mga pangangako at mga pagkahilig.
Sa pagkakahilig ng aking ulo, matitiis mo ba ang ngalay ng braso?
Siguro, oo, hindi, at pwede.
Pinili sana ang hindi para ang hulog hindi matinde.
Hindi sana naranasan ng puso.
Ang hagkan pero hindi niyakap.
Ang kapitan pero hindi mahigpit.
Mapapaniwala mo pa ba ako sa mahika ng pagpikit?
Mapapatila mo pa ba ang ulan?
Sa aking mga mata– may pag-asa pa ba kayang masisilayan?
Magbubunga pa ba ang mga itinanim?–
O bubunutin ko na para wala ng titiisin?
Ibaba-on o lilimutin ko na ba talaga?
Alam mo ba?
Tadtad pa ako ng napakaraming sugat.
Nagnanaknak pa ang ilan sa aking mga pamagat.
Maga pa ang mata sa nakalipas na puyatan.
Paniguradong hindi mo ako maiintindihan.
Puro lamang ako tanong.
Kaya ituloy na lang natin kapag handa mo ng sagutan.
Kapag handa ka ng masugatan.
Kapag kaya mo ng patunayan.
Kapag kaya mo na akong ibigin

Total Views: 14

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *