Huling Yakap

Author : RJC

Paalam anak, mukhang ang pagbalik ko ay di ko na tiyak
ako ay naiiyak,
dahil mga taong walang puso at mapanghusga ang sa landas natin ay nagbiyak.

Mag-ingat ka pa lagi, kadahilanan man ng pagkawala ko ay sila kabutihan parin ang iyong ihari
di ko man masilayan ang iyong pagtanda dahil ako’y wala na
masaya naman akong naikarga kita nung ika’y maliit pa
nakatingin sa akin ng nakangiti at napakasaya.

Anak lagi mong iingatan ang sarili mo
damayan mo ang nanay mo sa lungkot na nadarama niya
pakisabi na gusto ko na masaya lang kayo
ayoko ng nalulungkot siya
nawala man ako lagi ko kayong babantayan
sa mundo na kung saan puno ng taong kasamaan ay walang hanggan.

Paalam na anak, oras na para lumipat ako sa mundo na kung saan walang mapang husgang tao, yung mga sinabi mo nawa’y pakatandaan mo, wag kang mag alala balang araw makakasama ko rin kayo.

Total Views: 46

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *